Nakadepende sa gobyerno kung paano nito gagawin ang pagbubukas muli ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng patuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kasabay nito ang paghimok ni Dr. Pauline Convocar, pangulo ng Philippine College of Emergency Medicine, sa publiko na patuloy na sumunod sa minimum health standards.
Sinabi ni Convocar na manageable pa ang bilang ng mga pasyente na naa-admit sa mga ospital at umaasa aniya silang hindi ito aabot sa bilang noong isang taon.
Binigyang diin ni Convocar na dapat ligtas na mabuksan ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan nang pagche-check sa mga naitatalang kaso ng COVID-19 samantalang ang pagbabakuna aniya ay isa lamang sa dagdag na proteksyon laban sa COVID-19 kaya’t dapat pa ring sumunod sa minimum standards.
Una nang kinumpirma ni treatment czar Leopoldo Vega ang pagtaas ng mga na-oospital sa Metro Manila, Cagayan Valley at Central Visayas bagamat nasa moderate risk level pa rin ang healthcare capacity ng mga naturang rehiyon.