Hinimok ng Department of Science and Technology (DOST) ang publiko na gumamit na lamang ng electric bikes o re-chargeable sa sasakyan kasunod ng taas-presyo sa langis.
Ayon kay DOST Undersecretary Renato Solidum Jr., katuwang nila dito ang mga unibersidad para sa pananaliksik upang magkaroon ng mabisang pinagkukunan ng kuryente ng mga sasakyan.
Pero aminado pa rin si Solidum na mahirap na maghanap ng charging stations para sa mga electric vehicles.
Hanggang nitong Pebrero a-28, nakapagtala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 367 operational electric jeepneys sa buong bansa. —sa panulat ni Abby Malanday