Iniutos ng Palasyo ng Malacañang ang paglahok sa gagawing synchronized earthquake drill, alas-10:30 bukas ng umaga, Hulyo 30, 2015.
Ito ay sa inilabas na memorandum circular number 79 ng Palasyo kung saan inatasan ng Pangulong Noynoy Aquino ang paglahok sa earthquake drill ng lahat ng ahensya ng pamahalaan, Local Government Units (LGU’s) at mga Government Owned and Controlled Corporation (GOCC’s).
Hinimok din ng Palasyo ang pribadong sector na makilahok sa gagawing earthquake drill na pangungunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
By Katrina Valle | Aileen Taliping (Patrol 23)