Nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na kailangang paigtingin pa nito ang pagsunod sa health at safety protocols upang labanan ang COVID-19.
Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ay sa gitna ng Lambda variant ng COVID-19 na unang nadiskubre sa Peru noong isang taon at itintuturing na variant of interest ngayon ng World Health Organization (WHO).
Sinabi ni Eleazar, inihahalintulad din ng mga eksperto ang Lambda sa Delta variant ng COVID-19 dahil sa bilis ng transmission rate nito.
Dahil dito, sinabi ng PNP Chief na walang ibang mabisang pananggalang sa virus kung di ang pagsusuot ng face mask, face shield at ang pagsunod sa physical distancing.