Hinimok ni Senator Grace Poe ang publiko na ireklamo ang hindi magandang serbisyo ng mga telecommunications companies sa bansa.
Sa social media post ni Senator Poe, sinabi nitong kokolektahin nila ang mga sumbong ng mga netizen at idudulog ito sa mga isasagawang Senate hearing patungkol sa serbisyo ng mga Telcos.
Giit ni Poe dapat ibigay ng mga Telcos ang nararapat na serbisyo para sa ibinibayad sa mga ito.
Partikular na tinukoy ng Senadora ang unti unting pagtanggal ng Telcos sa unlimited internet sa mga prepaid at postpaid mobile subscriptions at ipinalit ang volume pricing kung saan nakadepende na ang babayaran sa kung gaano karami ang data consumption o internet usage ng consumer.
Inulit ni Poe ang babala noon ni Pangulong Duterte na bubuksan sa mga banyaga ang komeptisyon sa industrya ng telekomunikasyon kung hindi pagbubutihin ng mga Telcos ang kanilang serbisyo.
By: Jonathan Andal
SMW: RPE