” wag mapanatag sa pagbaba ng kaso ng Covid-19 sa bansa “.
Ito ang paalala ng Department of Health o DOH sa publiko dahil maraming pilipino ang hindi sumusunod sa ipinapatupad na mga minimum health protocols.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahigit siyamnapung lugar na nasa alert level 4 ang nasa high risk level ang utilization ng kanilang mga ospital.
Dagdag ni Vergeire, pinag-aaralan at sinusuri nila ng mabuti ang trend ng covid kung patuloy na bababa ito.
Aniya, kailangan pa nilang makumpleto ang mga datos hinggil sa mga factors na nakakaapekto sa outputs ng mga laboratoryo.