Mahigpit ang paalala ni Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa banta nang pananalasa ng bagyong Lando lalo sa Aurora at iba pang Central Luzon provinces, gayundin sa Isabela at Cagayan Valley.
Sinabi ng Pangulong Aquino na bagama’t nakahanda na ang lahat ng ahensya at assets ng gobyerno, kailangang maging alerto ang lahat at makinig sa mga ilalabas na babala.
Ayon sa Pangulo, wala namang dapat ipag-panic pero mahalaga ang paghahanda upang maiwasan ang mas malalang sakuna at makamit ang hangaring ‘zero casualty’ sa kalamidad.
Kabilang sa inaalala ng Pangulong Aquino ang mabagal na pagkilos ng bagyo dahil sa high pressure at 6 hanggang 12 oras na malakas na pag-ulan.
By Mariboy Ysibido