Inalerto ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang publiko hinggil sa mga palatandaan ng isang shabu laboratory na maaaring nag-o-operate sa kanilang mga lugar.
Pinayuhan ni PDEA-Public Information Office Director Derrick Carreon ang mga landlord ng mga paupahan sa subdivision na kilalaning mabuti ang mga rumerenta sa kanila.
Ayon kay Carreon, dapat magduda kung mga hitsurang banyaga ang uupa at may kakayahang bayaran ng buo ang renta kahit mahal.
Ayon kay Carreon, pinipili ng mga sangkot sa illegal drug manufacturing na mas maging pribado at bantay sarado ang kanilang mga inuupahang bahay.
Dapat din anyang magsumbong agad sa mga awtoridad kung mayroon ng mga napapansing laboratory waste tulad ng bote, drum at iba pang container ng mga kemikal.
—-