Hinikayat ng isang grupo ang publiko na huwag magkalat ng basura sa mga sementeryo.
Ginawa ng Ecowaste Coalition ang panawagan sa gitna ng pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo at kolumbaryo bago mag-Undas.
Ayon sa grupo, dapat iwasan ang pagtatapon ng basura kung saan-saan at sa halip ay gunitain ang All Saints’ Day sa pamamagitan ng pag-alala at paggalang sa mga yumao.
Mas maigi anilang huwag nang magdala ng single-use plastics at iba pang disposable materials para maiwasan ang pagkakalat ng basura.
Maaaring bumisita sa mga sementeryo at kolumbaryo anumang araw, maliban sa October 29 hanggang November 2.