Kinalma ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang publiko sa pagkabahala sakaling tumanggi ang pamahalaan sa anumang tulong o donasyon mula sa ibang bansa.
Paliwanag ni Cayetano hindi tatanggapin ang mga tulong kung ito ay may kasamang kondisyon o maaaring makaapekto sa soberenya ng bansa.
Dahil dito nais malaman ng kalihim kung handa pa rin bang tumulong ang European Union ng walang kondisyon o handa pa rin magbigay ng foreign aid sa pamamagitan ng international organizations.
Nilinaw din ni Cayetano na hindi lang EU kundi maging sa lahat ng bansa paiiralin ang naturang polisiya.