Kinalma ng Department of Health ang publiko kaugnay sa nakakaalarma umanong pagtaas ng severe at critical COVID-19 cases.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire hindi pa naman umaabot sa isang porsyentong pagtaas ang katumbas ng 31% na datos ng critical cases nuong nakalipas na linggo bagamat malaki ito kung titingnan.
Nilinaw ni Vergeire na sa kabila ng mababang porsyento ng increase patuloy pa rin naman nilang tututukan ang mga pasyente para mabigyan ng sapat na tulong medikal at hindi lumala ang sitwasyon.
Nakatulong din aniya ang patuloy na paglilinis sa mga datos para mas maging malinaw ang classification ng active cases.
Inamin ni Vergeire na mayruon pa ring existing clustering ng COVID-19 cases kayat umaakyat pa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit at ang expanded testing din aniya ay nakaapekto sa pagdami ng mga tinatamaan ng coronavirus.