Kinalma ng Malakaniyang ang publiko sa agam agam hinggil sa posibleng pag deklara ng Revolutionary Government ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella mismong ang Pangulo ang nagsabing hindi niya gagawin ang naturang hakbang.
Nabanggit lamang aniya ito ng Pangulo sa kaniyang talumpati na posibleng maging solusyon sa mga balakid sa pagsulong ng kaunlaran sa bansa.
Una nang inihayag ng Pangulo na kung gustong mapabilis ang pagbabago sa gobyerno ay revolutionary government ang kailangan tulad nang ginawa ng dating Pangulong Corazon Aquino nuong 1986 sa pamamagitan nang inisyung Proclamation Number 3.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
SMW: RPE