Muling iginiit ni Senador Bam Aquino ang pagrepaso sa ipinatutupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law ng gobyerno.
Kasunod ito ng ginawang pagbisita ng senador sa mga mahihirap na lugar kung saan ang nangungunang daing ng tao ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng ilang bilihin at serbisyo.
Giit ng senador, bagaman tumaas ang inuuwing suweldo ng mga manggagawa dahil sa pagbaba ng income tax, ay mas malaki naman ang itinaas ng gastusin ng mga pamilya dahil sa mataas na halaga ng mga bilihin.
Nauna rito, inihain ni Aquino ang Senate Resolution No. 704, na humihiling sa Senado na tingnan ang epekto ng TRAIN Law sa inflation at ekonomiya, lalo na sa pagtaas ng excise tax sa presyo ng produktong petrolyo.
—-