Nagpaalala ang grupo ng mga doktor sa publiko na manatiling maging maingat ngayong tumataas na naman ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay Dr. Maricar Limpin, vice president ng Philippine College of Physicians, napakahalagang sundin pa rin ang minimum health standards na pagsusuot ng face mask at face shield, pagkakaroon ng physical distancing at proper ventilation.
Giit ni Limpin, hindi dapat magsawa ang taumbayan sa pagsunod sa mga health protocols, kundi tayo ang makakaramdam ng negatibong epekto nito.