Patuloy ang pagbulusok ng public trust rating ng Malakanyang sa nakalipas na 3 taon.
Base sa pinaka-huling survey ng Philippine Trust Index o PTI ngayong taon, 15 percent lamang ng general public ang nagtitiwala sa Office of the President habang 11 percent ng informed public ang nagtitiwala o katumbas ng 13 percent na pagbaba simula 2012.
Dahil dito, inihayag ni EON Managing Director for Engage Malyn Molina na nagpresenta ng survey result na na-ungusan na ang Palasyo ng mga local government agency bilang pinaka-pinag-kakatiwalaang institusyon ng pamahalaan.
Nakakuha ng 19 percent trust rating ang mga Local Government Units mula sa general public at 17 percent mula naman sa informed public.
Naka-rerekober din anya ang senado sa tiwala ng mga mamamayan matapos ang biglang paglagpak ng rating nito noong 2012 at 2014 dahil sa pork barrel scam.
Isinagawa ang ika-apat na PTI study sa 1,620 respondents mula sa iba’t ibang socioeconomic, educational at demographic backgrounds sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa mga urban at rural area sa NCR, North Luzon, South Luzon, Visayas at Mindanao simula Hulyo hanggang Agosto.
By: Drew Nacino | Raoul Esperas (patrol 45)