Inihayag ng Department of Health (DOH) na mas tanggap na ng publiko ngayon ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.
Ito, ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergiere, ay kahit hindi pa maituturing na endemic ang sakit dahil sa kakulangan ng ‘scientific evidence’.
Kailangan anyang maintindihan ang mga report ng COVID-19 cases kada araw, lalo’t marami nang nagpapa-antigen test at hindi nagpapa-test sa halip ay nananatili na lamang sa bahay.
Batay sa datos ng DOH, hindi na lumampas sa 1,500 ang naitatalang daily COVID-19 cases mula December 5 hanggang 11 habang ang bilang ng mga namamatay ay hindi bababa sa 30 noong isang linggo. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla