Maaaring makulong at magmulta ang sinumang indibidwal na gumagamit ng pekeng COVID-19 vaccination cards.
Ito ang muling ibinabala ni DILG Region 10 Director Arnel Agabe sa publiko matapos makatanggap ng ulat na isang residente mula sa Cagayan de Oro City ang hinuli ng mga pulis sa pagbebenta ng pekeng vaccination cards.
Ayon kay Agabe, dapat iwasan ng publiko ang pamemeke ng kanilang mga vaccine cards upang maiwasan ang pagkakakulong o anumang parusa.
Sa ilalim ng Revised Penal Code at Republic Act 11332 o “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Law’’, sinumang mahuling namemeke o gumagamit ng pekeng vaccination cards ay maaaring pagmultahin ng 20,000 hanggang 50,000 pesos o makulong mula 1 hanggang 6 na buwan. —sa panulat ni Drew Nacino