Binalaan ng National Privacy Commission (NPC) ang publiko laban sa dumaraming text messages na nag-aalok ng kung anu-ano.
Pinayuhan ni Privacy Commissioner Raymund Liboro na huwag nang sagutin ang mga text message na nag-a-alok ng mga pekeng trabaho kapalit ng malaking sweldo.
Ayon kay Liboro, pawang spam messages ang mga ito na ang tanging pakay ay pagnakawan ng pera ang mga biktima.
Mas maigi anyang i-block na lamang ang mga number o matatanggap na text messages.
Kumbinsido naman si Liboro na ang nasabing gawain ay isang uri ng “smishing activity” na gawa ng isang global crime syndicate.”
Samantala, pinagpapaliwanag na ng NPC ang mga telco kung bakit marami sa kanilang subscribers ang nabibiktima ng naturang scam. —sa panulat ni Drew Nacino