Inabisuhan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na muling gumamit ng face shield laban sa COVID-19 Omicron variant.
Sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos, naniniwala si Pangulong Duterte nanakatutulong sa mga pinoy ang face shield upang ma-protektahan sa COVID-19 at iba pang uri ng nakahahawang sakit.
Isa anya ang faceshield sa nakikita niyang mabisang armas sakaling tuluyan nang kumalat sa bansa ang Omicron variant.