Nangangamba ang mga residente sa Metro Manila matapos ipatupad ang alert level 2 sa bansa.
Ayon sa ilang mga residente, kahit na lumuwag na ang restriksiyon sa Metro Manila, sa kabila ng mababang naitatalang bilang ng mga tinatamaan ng virus ay hindi pa rin sila kampante na ligtas ang kanilang pamilya laban sa COVID-19.
Bukod kasi sa COVID-19, ay kumakalat narin sa Pilipinas ang Omicron at ang panibagong variant nito.
Umaasa naman ang publiko na matatapos na ang pandemya para tuluyan nang umusad ang ekonomiya maging ang kanilang pamumuhay. —sa panulat ni Angelica Doctolero