Papayagan na ang publiko na bumisita sa dalawang pampublikong sementeryo sa Maynila kaugnay sa nalalapit na paggunita ng Undas.
Ito’y matapos ibalik ng manila LGUs ang tradisyunal na pagbisita sa mga namayapang mahal sa buhay sa Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Maynila at Manila South Cemetery na nasa bahagi ng Makati City subalit pag-aari ng Lungsod ng Maynila.
Tatagal hanggang sa October 25 ang paglilinis at pagpipintura ng mga puntod habang hanggang October 28 naman ang pagpapahintulot na maglibing at mag-cremate pero muli itong papayagan sa November 3.
Hindi naman kabilang sa pipigilang ma-cremate o magtutuloy-tuloy ang cremations kahit sa mismong araw ng Undas ang mga namatay sa COVID-19.
Ayon kay ni Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan, sisimulan ang All Saints’ Day at All Souls’ Day simula Oktubre 29 hanggang 31 at Nobyembre 1 hanggang 2 na bubuksan alas-5:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Samantala, hindi naman papayagang makapasok sa loob ng sementeryo ang mga kabataang 12 anyos pababa maging ang mga unvaccinated individuals at mga hindi pa fully vaccinated.
Hinikayat din ang publiko na magsuot ng facemask sa pagpasok sa loob ng sementeryo at panatilihin ang physical distancing upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19.