Halos 4,000 indibidwal ang nagtungo sa Manila Baywalk Dolomite Beach.
Ito’y sa kabila ng banta ng Covid-19 sa bansa.
Ipinabatid ni Jacob Meimban Jr, Deputy Executive Director ng Manila Bay Coordinating Office, sa patuloy na pagdagsa ng tao. Inatasan nila ang ground commander na pansamantalang pigilan ang pagpasok ng mga tao sa pagpasok sa lugar.
Dagdag ni Meimban na hindi sila maaaring magpapasok per batches dahil magsasanhi ito ng mahabang pila sa labas.
Samantala, nakatakda naman isara ang beach sa Biyernes para sa gagawing maintenance.
Bukod dito, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagligo dahil nananatili pa rin ang chloroform levels sa lugar.