Umapela si Maritime Affairs Expert Dr. Jay Batongbacal sa publiko na pumili ng kandidatong hindi magpapaloko sa Tsina.
Ani Batongbacal, walang nagkatotoo sa mga pangako ng tsina sa kasalukuyang administrasyon.
Dagdag pa ni Batongbacal, hindi naging epektibo ang dating polisiya na pagiging mapagbigay at mapagkaibigan ng Pilipinas at tsina pagdating sa usaping Exclusive Economic Zone at continental shelf sa mga teritoryo ng bansa.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay hinarang sa ayungin shoal ng Chinese Coast Guard ang mga suplay boat ng Pilipinas
Ani pa Batongbacal, malinaw na walang pake ang Tsina sa mga gusto nilang gawin sa ayungin sa kabila ng pakikipag-kaibigan ng Pilipinas.—mula sa panulat ni Joana Luna