Umapela ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa publiko na iwasan ang mga venue na may kinalaman sa APEC Summit gayundin ang mga lansangan patungo at mula sa mga lugar na ito.
Sa gitna na rin ito nang pagpapalakas ng seguridad para sa mga dadalong heads of state.
Sinabi ni DILG Secretary Mel Senen Sarmiento na dinagdagan pa ang security forces na itinalaga sa Metro Manila para na rin sa kaligtasan ng mga delegado.
Asahan na rin aniya ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga lugar kung saan gagawin ang mga aktibidad kaugnay sa APEC.
By Judith Larino