Patuloy na pinaaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na manatling mag-ingat sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kahit na patuloy na bumababa ang kaso ng Covid-19 ay may banta pa rin ng Omicron covid variant.
Sinabi pa ni Vergeire, gawin na lamang online ang mga pamamasko at pagsasagawa ng party upang maiwasan ang hawaan ng virus sa mga lugar.
Samantala, kung hindi naman aniya maiiwasan ay kailangan siguruhun na open places at may tamang bentilasyon at kailangan sundin ang mga minimum health protocols.
Tiyakin din aniya na bakunado lahat ng dadalo sa naturang party upang protektado ang lahat sa nakakahawang sakit.