Nagpalabas na ng guidelines ang Manila North Cemetery para sa mga dadalaw sa kanilang mga yumaong kaanak mahigit isang linggo bago ang araw ng undas.
Batay sa abiso ng pamunuan ng Manila North Cemetery, itinakda sa Lunes, Oktubre 29 ang huling araw para maglinis at magpintura ng mga nitso.
Simula naman Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2, hindi na papayagang makapasok ang mga sasakyan sa sementeryo gayundin ang pagsasagawa ng libing dito.
Sa Nobyembre 1, bubuksan naman ng Manila North Simula 10:00 ng umaga ang kanilang gate 2 at 3 sa bahagi ng A. Bonifacio Avenue pero para lamang sa mga palabas na ng sementeryo.
Pinalalahanan din ng Manila North ang mga dadalaw hinggil sa mga ipinagbabawal na gamit sa loob ng sementeryo tulad ng matutulis na bagay gaya ng kutsilyo, screwdrivers, ice picks, sound system, lighter, thinner, alcohol, gas, alcoholic drinks at mga gamit pang sugal.