Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na dapat agad na magpasuri sa mga doktor ang sinumang makararanas ng sintomas ng coronavirus.
Ayon kay Health spokesman Undersecretary Eric Domingo, kabilang sa mga sintomas ng coronavirus ay lagnat, hirap sa paghinga, at pagkakaroon ng ubo at sipon.
Dagdag pa ni Domingo, mas mabuti kung ugaliin na ang pagsusuot ng face mask para maprotektahan ang sarili laban sa nasabing virus.
Aniya, dumarami na ngayon ang nagpopositibo sa bagong usbong at hindi pa natutukoy na uri ng coronavirus na mula sa China kaya’t mas mainam umano kung magdodoble ingat ang publiko.