Mahigpit na binabantayan ng Philippine National Police o PNP ang pansamantalang pagbubukas ng dolomite beach sa lungsod ng Maynila hanggang ngayong araw.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, inatasan na niya ang Manila Police District o MPD na magdagdag ng kanilang tauhan para tutukan ang pagpapatupad ng health and safety protocols kontra COVID-19.
Hindi alintana ng publiko ang pagbuhos ng ulan sa Maynila para lang masilayan ang kauna-unahang white sand beach sa lungsod na naging atraksyon at usap-usapan buhat nang magsimula ang pandemiya nuong isang taon.
Magugunitang nasibak sa puwesto ang Station Commander ng Pulisya na nakasasakop sa lugar noong isang taon dahil sa kabiguan nitong panatilihin ang physical distancing.
Para maiwasan ang overcrowding, bibigyan lamang ng limang minuto ang mga bibisita sa lugar basta’t nakasuot sila ng face mask, face shield at kailangang magkakalayo upang maiwasan ang hawaan ng virus. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)