Pinaalalahanan ni University of the Philippines Pandemic Response Team Professor Jomar Rabajante ang publiko na mag-ingat sa paglabas dahil sa bahagyang pagtaas ng positivity rate ng Covid-19 sa bansa.
Aniya, ito’y maaring dahil sa nadagdagan ang mobility ng mas maraming pilipino na lumalabas upang ipagdiwang ang holiday season.
Idiniin naman niya na masyado pang maaga para sabihin kung ang naturang pagtaas ng kaso ay magpapatuloy.
Matatandaang ang 2 percent positivity rate ng bansa ang pinakamataas na naitala mula noong Nobyembre 29. — sa panunulat ni Airiam Sancho