Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa wild diseases ngayong panahon ng tag-ulan.
Kabilang dito, ayon kay DOH Spokesman Dr. Lyndon Leesuy ang water-borne diseases tulad ng influenza, leptospirosis at dengue.
Sinabi ni Lee Suy na hindi dapat ipagwalang bahala ng publiko ang bumabang kaso ng dengue.
Pinayuhan ni Lee Suy ang publiko na tiyaking malinis ang iinuming tubig, iwasang maglaro sa tubig baha, panatilihing malinis ang paligid at laging maghugas ng kamay para makaiwas sa mga nasabing sakit.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)