Pinayuhan ng mga eksperto ang publiko na ugaliing pangalagaan ang pangangatawan lalo pa ngayong sobrang init ng panahon.
Ito’y dahil sa mga panahong ito ay dumarami ang kaso ng heat exhaustion na kadalasang nauuwi sa stroke o mas malala pa ay atake de corazon.
Ayon kay Dr. Anthony Leachon, isang cardiologist, may dalawang uri ng heat exhaustion at ito aniya ay ang extenral heat at non exertional o mas kilala bilang classical heat exhaustion.
Karaniwan aniyang nakararanas ng classical heat exhaustion ang mga alteta, traffic enforcers, pulis at sundalo na kadalasang nasa labas at bantas sa labis na init ng araw.
Kaya mahigpit na pinapayuhan ng mga eksperto ang publiko na ugaliing sapat ang iniinom na tubig araw-araw, iwasan ang pag-inom ng mga inuming nagdudulot ng dehydration tulad ng kape, softdrinks o anumang energy drinks ngayong mainit ang panahon.
Ugaliing kumain ng mga prutas o gulay na mayaman sa tubig tulad ng sayote, pakwan, cucumber, pepino, singkamas, melon, upo, patola at pinya.