Pinag-iingat ng Department of Health (DOH), ang publiko kaugnay sa posibleng pagpasok ng Omicron Subvariant XBB sa Pilipinas.
Ayon sa DOH, dapat gawing prayoridad ng publiko ang pagpapaturok ng booster dose at patuloy na sundin ang health protocols partikular na ang pagsusuot ng face mask.
Sinabi ng kagawaran na dapat ding pairalin ang social distancing, sanitation, at maayos na bentilasyon sa bawat mga establisyimento.
Layunin ng ahensya na maprotektahan ang kalusugan ng bawat isa laban sa mga bagong variants ng Omicron.