Ibinabala ng PAGASA na posibleng tumindi pa ang nararanasang init ng panahon sa mga susunod na linggo.
Ayon sa PAGASA, maaaring pumalo sa 56 degrees celsius ang heat index sa Muñoz City at 50 degrees celsius sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Ipinaliwanag ng nasabing weather bureau na karaniwan nang naitatala tuwing mayo ang pinaka-mataas na temperatura sa bansa.
Halimbawa na lamang noong Mayo a – uno ng isang taon, umabot sa 55 degrees celsius ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan.
Kahapon, umabot naman sa 43 degrees celsius ang heat index sa dagupan maging sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng temperatura na umaabot na sa extreme danger level, pinag-iingat ng pagasa ang publiko, lalo ang mga senior citizen at may sakit sa puso laban sa heat stroke o heat stress.