Nagpaalala sa publiko ang PNP anti-cybercrime group kaugnay sa naglipanang online job posting.
Ito’y dahil marami na ang nabibiktima ng human trafficking kung saan, madalas na tinatarget ang ilang mga dayuhan.
Ayon sa mga otoridad, sampung suspek ang kanilang nahuli na nagre-recruit ng mahigit 1000 foreign nationals sa isang BPO company sa Pampanga.
Sa pahayag ng mga biktima, kinuha ng mga suspek ang kanilang passport at sapilitang pinagtatrabaho ng sobra sa regular na oras.
Nabatid na 16 na oras hanggang 18 oras nagsisilbi sa kanilang trabaho ang mga biktima nang walang natatanggap na overtime pay.
Dahil dito,nagbigay ng payo sa publiko ang PNP- ACG, na huwag basta-basta maniniwala sa panghihikayat ng hindi kilalang indibidwal at sakaling makaranas ng ganitong sitwasyon, agad na ipagbigay alam sa kinauukulan upang maaksiyonan ng mga otoridad.