Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration o POEA sa mga OFW na nagbabalak magtrabaho sa ilang bogus na hotel at farm sa Japan.
Sa twitter account ni POEA Administrator Hans Leo Cacdac, nakasaad na huwag magpabiktima ang mga Pinoy sa mga ganung klaseng trabaho na ini-ooffer sa online na wala namang lisensya mula sa kanilang opisina.
Ani Cacdac, naghahanap kasi ang nasabong bogus na trabaho ng mga lalaki at babae na may edad 24 hanggang 30 taong gulang para umano sa trabaho sa hotel.
Habang edad 24 to 45 years old naman ang hinihikayat na magtrabaho sa farm based work.
Kauganay nito, binigyang diin ni Cacdac na mahalagang tandaan ng mga nagbabalak mag-aplay sa abroad na makipag-ugnayan lamang sa mga lisensyadong recruitment agencies na nag-aalok ng rehistradong job offer.
By Allan Francisco