Muling pina-alalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na maging maingat pa rin sa COVID-19, lalo’t malapit na ang pasko.
Ito, ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ay dahil marami pa ring mamamayan ang lantad sa naturang sakit sa gitna ng mga inaasahang kaliwa’t kanang pagdiriwang.
Pinayuhan din ni Vergeire sa kumpanya na gawing ligtas ang mga Christmas gathering at kailangang masunod ang health and safety protocol laban sa virus. —sa panulat ni Jenn Patrolla