Dapat manatiling alerto ang publiko laban sa COVID-19 sa kabila ng patuloy na pagbaba ng kaso nito o pagbagal ng hawaan lalo sa Metro Manila.
Ito ang paalala ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group sakaling luwagan ang restrictions o ibaba ng pamahalaan ang alert level sa Oktubre.
Ayon kay David, dapat mag-ingat ang publiko lalo sa paglabas at umiwas sa mga social gathering dahil may posibilidad pa ring tumaas ang kaso kung magpapabaya.
Bagaman nasa .94 na lamang anya ang reproduction rate, dapat din anyang tandaan na hindi pa nakarerekober ang mga healthcare worker at nasa critical level pa rin ang hospitalization rate sa bansa. —sa panulat ni Drew Nacino