Ibayong pag-iingat ang paalala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga residente sa mga lugar na maaapektuhan ng Bagyong Florita.
Ito’y dahil sa posibleng maranasan na mga pagbaha, pagguho ng lupa, at malakas na hangin dulot ng naturang tropical depression.
Pinayuhan rin nito ang publiko na mag-antabay sa ulat panahon at sumunod sa mga abiso ng awtoridad.
Tiniyak naman ng NDRRMC na nakahanda sila, maging ang mga Regional DRRM Councils, mga ahensya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan sa mga maaaring idulot ng nasabing bagyo.
Kaninang umaga ay itinaas ng pagasa ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Northern Portion ng Aurora.