Pinag-iingat ng DOH o Department of Health ang publiko sa cholera na isa sa mga sakit na madalas makuha tuwing tag-ulan.
Batay sa ipinalabas na abiso ng DOH, ang cholera ay nakukuha sa pagkain at paginom ng tubig na kontaminado ng mikrobiyong vibrio cholerae.
Payo ng DOH, para makaiwas sa cholera, makabubuting pakulungan ang inuming tubig, hugasan at lutuing mabuti ang pagkain, ugaliing maghugas ng kamay at panatilihing malinis ang kapaligiran.
Agad namang magpakonsukta sa mga doktor sakaling makaranas ng pagtatae, pagsususka at malalang dehydration.
Una nang pinag-ingat ng DOH ang publiko sa sakit na leptospirosis.