Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa sakit na dengue ngayong tag-ulan.
Ayon sa DOH, doble na ang naitalang kaso ng dengue para sa unang anim na buwan pa lamang ng taon kumpara noong 2018.
Sa huling datos ng DOH, simula lamang nitong Enero ay nakapagtala na ng 87,000 ang kaso ng dengue kung saan 384 sa mga ito ang nasawi na dahil sa naturang sakit.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ang publiko na lagyan ng takip ang mga imbakan ng tubig at ugaliin ang paglilinis upang matanggal ang mga pinamumugaran ng lamok.