May paalala ang mga eksperto ngayong mainit na ang panahon subalit hindi makalabas dahil sa umiiral na mahigpit na quarantine measures sa iba’t ibang lugar.
Ayon kay dating Department of Health (DOH) Official Dr. Susan Mercado, isa sa mga kinahaharap na karamdaman ngayon ay ang heat stroke dulot ng mainit na temperatura.
Dahil dito, payo ni Dra. Mercado sa publiko na regular na uminom ng tubig upang mapanatiling maginhawa ang temperatura ng katawan.
Dapat dina niyang magsuot ng maninipis na damit tulad ng sando at iwasan ang mga dark colored clothes para hindi makaramdam ng heat exhaustion.
Dagdagan din ang paliligo sa loob ng isang araw para sumingaw ang init ng katawan subalit kailangan pa ring isaalang-alang ang pagtitipid sa tubig.
Magugunita na nitong miyerkules ay naitala ng PAGASA ang pinakamataas na heat index sa Metro Manila ngayong taon na nasa 42 degrees celcius.