Pinag – iingat ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang publiko sa nauusong liquid ecstasy o rape drug.
Kasunod ito ng nakuhang higit P300,000.00 halaga ng Gamma Butyrolactone (GBL) sa isang hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, itinuturing itong millennial drug dahil madalas na mga kabataan ang gumagamit nito.
Medyo nakakabahala itong gamot na ito dahil nga… medyo matagal – tagal na ito, hindi pa considered as a dangerous drugs ika – catergorize pa lang natin ito.
Tinukoy ni Aquino na kahit ilang patak lamang ng naturang droga ay posible nang magdulot ng pagtaas ng libido o kaya naman ay kawalan ng malay.
Magkakaroon ka ng parang crave sa sex, desire, something like that… that’s maybe mga two drugs, ‘yung tamang – tama lang na drugs na ginagamit ng mga user.
Pero more drops it will induce sleep red, pagka – natulog ka, you will have memory lose or memory lapse. Eventually, kung andun ka sa party baka ma – gang rape ka.