Mag-ingat sa mga online illegal recruitment schemes na nangangako ng deployment at work interview pagkatapos ng lockdown o quarantine.
Ito ang babala ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa publiko, partikular sa mga gustong magtrabaho sa ibayong dagat, sa gitna ng nagpapatuloy na coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa isang abiso, muling binalaan ng POEA ang lahat laban sa mga mapagsamantalang indibidwal na nagpapanggap na opisyal o staff ng isang lisensyadong recruitment agency.
Dapat din umanong mag-ingat ang publiko sa mga natanggap nilang email at job advertisement sa social media at ilang websites.