Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga sakit na maaaring makuha tuwing tag-init.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque, III, na karaniwan sa mga maaaring maranasan ang dehydration, partikular na sa mga senior citizen.
Kahapon nang opisyal na ideklara ng PAGASA, ang pagsisimula ng tag-init o dry season sa Pilipinas.