Pinag-iingat ng Department of Health o DOH ang publiko hinggil sa mga sakit na maaaring makuha ngayong lumalamig ang panahon.
Ayon sa DOH, uso sa panahong ito ang iba’t ibang sakit gaya ng ubo, sipon, hika at iba pa.
Ipinaalala ng DOH na ugaliin ang paghuhugas ng kamay at kumain ng mga masusustansyang pagkain sa kabila ng mga kaliwa’t kanang mga kainan.
Kasalukuyang nararanasan na ang malamig na panahon sa bansa at inaasahang bababa pa ang temperatura sa mga susunod na araw.
—-