Pinag-iingat ng EcoWaste Coalition ang publiko sa pagbili ng Halloween costumes, mga dekorasyon at laruan dahil sa posibleng banta sa kalusugan.
Ayon sa EcoWaste Coalition, lumabas sa mga binili nilang Halloween products sa halagang P25 hanggang P199 mula sa halos 30 tindahan sa Monumento, Caloocan City, Quiapo, Maynila, Libertad, Pasay City at Cubao, Quezon City na hindi nakarehistro sa health authorities, kulang sa label at iba ay sadyang walang label.
Sinabi ni EcoWaste Coalition Chemical Safety Campaigner Thony Dizon na siyam na Halloween decorations kabilang ang apat na pumpkin figurine sets, tatlong jack-o’-lanterns at dalawang toy animals na nabili nila ay ginamitan ng pinturang may mataas na lead content.
Ang orange-painted jack-o’-lanterns naman ay nagtataglay ng high lead level na mas mataas sa 10,000 parts per million na lubhang masama sa kalusugan.
Ilan sa mga items ay nakitaan din ng high levels ng antimony, bromine at cadmium.