Nagpaalala ang Department of Health o DOH sa publiko kaugnay sa maingat na pagkain lalo na ng mga street food sa panahon ng tag-init.
Ayon kay Dr. Jaime Bernadas, director ng DOH-7, karaniwang mabilis mapanis ang mga pagkain kapag mainit ang panahon.
Mas mainam aniyang ilagay ang pagkain sa loob ng refrigerator para maiwasan ang mabilis na pagkapanis ng mga ito.