Pinag-iingat ng PAGASA ang publiko kaugnay sa paparating na bagyo.
Ipinabatid ng PAGASA na mahigpit nilang moni monitor ang isang malakas na bagyo at isang Low Pressure Area na nasa layong mahigit 1,000 kilometro silangan ng dulong hilagang Luzon.
Ang nasabing bagyo naman na mayroong international name na Hinnamnor ay binabantayan din ng PAGASA dahil sa mabilis na paglakas nito habang kumikilos pa-kanluran.
Inaasahang bukas ng gabi o sa Huwebes papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang nasabing bagyo na papangalanang Gardo na lalapit sa extreme Northern Luzon, subalit hindi direktang dadaan sa Philippine landmass.
Ang sentro ng naturang bagyo ay pinakahuling namataan sa layong 1, 655 kilometro silangan hilagang silangan ng dulong hilagang Luzon.
Taglay ng nasabing bagyo ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 165 kilometers kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 205 kilometers kada oras.
Sinabi ng PAGASA na tuluy-tuloy ang paglakas ng bagyo habang nasa karagatan sa timog ng Japan at aakyat sa super typhoon category sa loob ng 24 oras.