Patuloy na pinag-iingat ng SEC o Securities and Exchange Commission ang publiko laban sa 9 na kumpanyang sangkot sa investment scam.
Kasunod ito nang pambibiktima ng One Dream Global Marketing Incorporated ng halos P3 billion pesos mula sa investors.
Ayon sa SEC, walang permit o maging secondary license magbenta ng investment ang mga kumpanyang Hyper Program International and Direct Sales, HPI Direct Sales and Trading Corporation, Gold Extreme Trading Company, Wealth Builder Advertising, Mutual Universe Corporation.
Kasama rin ang One Lightning Orporation, Success 200 International Marketing Corporation, J79 Galore Online Marketing at ang Bagong Lahing Filipino Development Foundation Incorporated.
Pinayuhan ng SEC ang publiko na busisiin ang sasalihang negosyo at hanapin ang primary at secondary permit.
DOJ
Samantala, bumuo na ng Department of Justice (DOJ) ng panel of prosecutor na tututok sa preliminary investigation sa pinakabagong kaso ng investment scam ang One Dream Marketing Incorporated.
Ayon kay DOJ Sec. Leila de Lima, binubuo ang panel nina State Prosecutor Susan Villanueva, Rihaira Lao at Mary Ann Parong.
Kabilang sa nahaharap sa kasong syndicated estafa ay si One Dream President Arnel Gacer, Vice Presdient Jobelle de Guzman at iba pang mga incorporators.
Labing walong (18) mga residente ng Lipa City ang nagreklamo matapos silang mabigo na makakuha ng 330 percent na tubo sa kanilang investment at maloko ng higit sa P3 milyong piso.
By Judith Larino | Rianne Briones