Mag-ingat sa mga pekeng pari.
Ito ang babala ngayon ng Philippine National Police (PNP) sa publiko sa posibleng pananamantala ng mga magpapanggap na pekeng pari ng Undas.
Ayon sa PNP, huwag basta basta maniniwala sa mga magpapakilalang pari at mag-aalok ng padasal sa mga yumao kapalit ng pera, bagkus ay hanapan anila ito ng celebret para mapatunayang lehitimo ang naturang pari.
Mas mainam rin ayon sa PNP kung lalapit na lamang sa mga kakilalang kura paroko para sa pagpapadasal ng mga puntod.
By Ralph Obina | Jonathan Andal